[Email] Ang dati kong buhay bilang talent

This was sent to our email (buhaymediaph@gmail.com) last Thursday, November 6. The original mail has been edited for clarity.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Magandang araw po sana ma-share niyo rin po ang istorya ko noon bago ako umalis ng GMA po. God bless po. —Lorenz Marc Yabut

Nagsimula ako bilang isang production assistant. Isa ako sa mga taong tumatakbo mula annex building hanggang 4th floor ng main building. Hanggang sa ako ay naging segment producer. Todo kayod ako sa pagraket para makaipon. Mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-tres o alas-kwatro ng madaling-araw, nagreresearch ako ng video materials.

IMG_48879621770278

Kung mayroon akong natutunan ito ay ang mga sumusunod: ang pagiging waterproof na kahit lubog ang bahay ko at buong Maynila, kailangan ko pa ring pumasok, kailangan kong gumawa ng MILAGRO dahil hindi pwede ang wala; ang siguraduhin na walang mawawalang tape na nakarehistro sa akin dahil Php300+ ang bawat isa; ang pag-abono ng pera sa bawat baril sa liquidation ko at pag-abono sa perang hindi ko ginastos, hanggang sa halos wala na ring silbi ang pagtatrabaho ko; at kahit maospital ka ay tatawag pa rin sa ‘yo para humanap ng kapalit mo kahit na alam nilang critical ka na.

Napakagandang makita ang respetong ibinibigay sa ‘yo ng mga tao. Ngunit ang mismong pagmamahal sa ‘yo ng kumpanya na pinagbigyan mo ng taos-pusong paglilingkod at sinseridad ay hindi mo maramdaman. Kahit ako ay umalis na ng media, masakit pa rin para sa akin na masabihan ang mga kasamahan ko na “Service Provider,” na kung anuman ang mangyari sa kanila ay walang pananagutan ang kumpanya at hindi sila mabibigyan ng benepisyo tulad ng normal na empleyado. Walang Philhealth, walang SSS, walang Pag-IBIG at higit sa lahat wala silang pakialam sa TAX problems mo.

C360_2014-11-06-11-24-46-486

Isa ako sa mga nananalangin na kayo ay mabigyan ng karampatang benepisyo na naaayon sa batas.

#

If you wish to share your own #BuhayMedia story or want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s