[Facebook Post] Chef Chel Galang supports TAG

Reposted with permission from a Facebook post of Chef Chel Galang. As a food historian and demo chef, Chef Chel has lent her culinary expertise for television several times, including shows of GMA and ABS-CBN. 

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Chef Chel Galang
Chef Chel Galang

Grabe ang nangyayari sa people behind the cam ng GMA. Lalo na ang mga nasa News and Public Affairs. Bukod sa paliitan ng budget, kailangan mong ideliver ang istorya sa tamang panahon, rain or shine, may sakit o wala. Ok lang sana kasi trabaho talaga ‘yun kaso ang mga tao, walang SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at insurance. Ilang taon na sa serbisyo, may pay slip, may ID, pero ngayon tinawag na lang silang talents o service providers kung saan magbibigay sila ng resibo kapag sumuweldo. At sapilitang pinapipirma sa isang oppressive contract kung saan nakalagay na ang 13th month pay ay hindi sa end of the year makukuha, kundi idadagdag sa buwanang sweldo, pero ito na rin ang magiging tax payments nila. Thirteenth month pay, pambayad ng tax? Saan ka nakakita ng ganun? Kaya noon pa lang pinag-resign ko na ang anak ko. Halos wala nang sinusuweldo ang anak ko, pagod na pagod pa. Iba-ibang show rumaraket na siya para tumaas ang kikitain kaso talagang lugi ka pa lalabas. Kaya nang imbitahan ng dating call center na pinagtrabahuhan ang anak ko na bumalik na siya na may mas mataas na position, agad-agad nang umalis ang anak ko sa GMA.

Nakakalungkot kasi ako, malapit naman sa mga people behind the cam lalo na sa taping namin. Sila ang kasama ng mga artista, sila ang nagpapatakbo ng istorya. Minsan kapag ramdam ko na naiistorbo na ako or di ko sinasagot ang mga texts ng mga researchers, sinasabihan agad ako ng anak ko ng, “Mama, sagutin niyo ‘yan. Napakahirap ng trabaho bilang researcher. Alang alang sa ‘kin, please sagutin niyo na sila agad. Madalas kasi sa gabi ko na sila sinasagot. Kaya ang anak ko lagi akong sinasabihan. “Kailangan tumakbo ng istorya, Mama.” Nung lumabas na ang issue na ‘to, dun ko narealize kung gaano kalaki ang extent ng labor oppression sa GMA.

Nung naospital ang anak ko galit na galit ako na wala siyang SSS, PhilHealth, o insurance man lang. Nakakuha ng sakit ang anak ko right after nagkadengue si Michael V. Magkasama sila ng anak ko sa Bubble Gang kaya ang takot ko noon baka dengue na rin ang sa anak ko. Isang linggo rin kami mahigit sa ospital na inabot ng mahigit Php50,000 ang nagastos. Wala ni singkong nakuha sa GMA ang anak ko. Iniistorbo pa nga nila ang anak ko at pinaghahanap ng kapalit. Ako na mismo ang nagtaray sa mga head na tumatawag at nagtetext at nagpakilala na rin ako bilang isa sa mga resource persons at isang GMA talent as demo chef. Doon lang sila nanghingi ng apology at tinigilan ang pang-iistorbo sa anak ko.

As resource person, hindi kami binabayaran, pero lahat ng information nakukuha ng GMA sa akin. Ni wala kahit honorarium o pamasko man lang sa ilang taon ko nang trabaho para sa kanila. As demo chef hinihingian na kami ngayon ng TIN. Requirement nila yan para ka makalabas sa camera at mabayaran ng talent fee. Ilang oras na taping, isang beses ka lang makakain halos. Pero maiintindihan mo ang mga kasama mo kasi nga tinitipid sa budget ang mga staff. Lalo kapag News and Public Affairs. Walang pera halos na papaikutin ang mga SP at staff nila. Sa Entertainment TV, may budget nga pero hahanapan ka ng TIN.

Kasama ang mga nasa likod ng cam, naranasan namin nina Megan Jenikka Luna at Mark Anthony Norella ang mabilisang taping habang pilit pinapaalis ng guard kasi kailangan magbayad daw sa public park kung saan kami nagsushoot. Sa mga shoot, ‘yung paglipat-lipat at paghahanap ng tamang location nang last minute. Panay ang apology ng staff sa aming mga talents rin dahil mabilisan at last minute na sila batuhan ng assignment na agad kailangan maipasa for editing. ‘Yan ang pinagdadaanan ng mga staff. As chef sa GMA, madalas gagawa kami ng recipe nang mabilisan, mag-aadjust o babaguhin kapag nadisapprove, tapos at the last minute hindi rin pala maieere at bumagsak ang istorya, pero dahil sa dami ng inaasikaso ng researchers na parang mga makina at robot sa trabaho, nakakalimutan na rin kaming balikan para sa status ng tinrabaho namin. ‘Yan ang kailangan naming intindihin kadalasan. Nakakaawa kasi sila.

Kapuso Network pero walang puso para sa mga trabahador nila. Mabuti na lang nga ‘yung isang cameraman na namatay sa atake habang nagtatrabaho, nagkataong regular. Kung hindi, walang matatanggap pati ang pamilya ng namatay.

Anti-labor nga daw ang GMA. Ang IJuander kung saan lagi akong lumalabas will air its last episodes this December. Marami sa mga tao sa likod ng cam sa show ang sumali sa nagfile ng kaso against GMA. Ngayon wala nang magpapatakbo ng istorya. Kaya mawawala na rin ang show. Ang mga taga KMJS, Good News, Poptalk, Brigada, ilan sa mga tao nila na nakakasalamuha ko sa trabaho bilang resource person or food historian ng GMA, kasama rin sa mga nagfile ng kaso. Lahat sila matatanggal dahil ayaw nilang pirmahan ang bagong kontratang inilabas ng GMA kung saan mas nakita at nagpatibay sa publiko na sinisikil ng network ang karapatan ng mga tauhan nila bilang empleyado.

1966928_10152638572524550_5633095364360390823_nKapuso nga ba o wala na nga talagang puso? Tanong ng marami. Pag inalis ang mga taong ito sa December, hindi na rin ako lalabas sa GMA. Hindi na rin ako magtatrabaho as food historian nila at demo chef.

Gagawin ko ‘yan bilang suporta sa mga taong nakaranas ng unfair labor practice ng GMA Network, Inc.

-Chef Chel Galang

 

#

View the original post here: http://on.fb.me/1v41Xfv

Photos and screengrabs courtesy of Chef Chel Galang.

If you wish to share your own #BuhayMedia story or want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s