[Email] Bukas na liham para kay Manny V. Pangilinan

This was sent to our Facebook mail last Tuesday, November 18 by a person using the pseudonym “Juanito Singko.” It has been edited to remove possibly libelous statements. 

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Bukas na liham para kay Manny V. Pangilinan.

Magandang araw sir!

Nagdesisyon kaming sumulat sa inyo dahil baka sakaling mapakinggan ninyo ang matagal nang problema ng mga talent o contractual employees sa TV5.

Kilala po namin kayo pagdating sa pagtulong kaya iniisip namin na maaaring hindi niyo lang alam ang totoo naming kalagayan. Bilib nga kami sa inyo kasi ang dami ninyong natutulungan. Pati pagtulong sa sports talagang hanga kami sa laki ng bonus ninyo para sa kanila. Pero sana po may puso rin kayo sa katulad naming maliliit na empleyado. Sana nga po ay tama ang aming hinala na hinding-hindi ninyo papayagan kapag nalaman ninyo ang tunay na kalagayan naming mga contractual employee sa Happy Network.

Sa totoo lang po, marami po kaming hindi happy sa Happy Network. But don’t get us wrong. Batid po namin na hindi pa tayo ganun kalaki kagaya ng dalawang higanteng TV Network (ABS-CBN at GMA) kaya naiintindihan po namin ang inyong mga pahayag na “magtiis muna dahil kasama naman kami sa pag-unlad” ng ating mahal na kumpanya. Tama po kayo doon.

Ber month na naman po, pero kaming mga talent ay hindi po excited. Simple lamang ang dahilan—simula kasi nang magtrabaho kami sa inyong pamumuno, hindi po kami kahit kailan nakatanggap ng 13th month pay. Tuwing Pasko, hindi po katulad ng lahat ng empleyado, sa totoo lang po ito po ang pinakamalungkot naming panahon.

Mayroon din po kaming mga pamilya na kailangang paghandaan, mga inaanak na kailangang regaluhan tuwing Pasko. Pero saan po namin kukunin ‘yun kung 13th month pay lang, hindi pa po maibigay sa amin. Samantalang tuwing Pasko at Bagong Taon, kaming mga talent ang naiiwan para magtrabaho sa mga studio habang ‘yung ilang naglalakihan ang suweldo, malamang nasa out-of-town o ibang bansa. Wala kaming magawa kundi mainggit na lang sa naglalakihang mga bonus ng mga regular na empleyado.

Natatawa na lamang po kami tuwing mapapakinggan namin ang programa sa radyo ni Atty. Mel Sta. Maria (Relasyon) na paulit-ulit niyang ipinapayo sa kanyang mga caller na kahit contractual, regular at kahit ano pang trabaho ang ginagawa ninyo, karapatan ninyong makatanggap ng 13th month pay.

Kami pong mga talent ay walang pinipiling trabaho. Andiyan po kami kahit Sabado at Linggo. Kahit holiday po ay andiyan pa rin kami. Kahit ilang araw na walang tulugan, nagtatrabaho pa rin kami. Pero wala po kaming overtime pay, holiday pay o night differential. Kahit po SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at iba pang benepisyo, wala po kaming lahat nito. Kahit po tanungin ninyo ulit kay Atty. Sta. Maria, dapat ay natatanggap namin ang mga benepisyong ito.

Hanggang ngayon rin po marami ring masama ang loob na mga empleyado dahil sa sobrang pagtitipid na ginagawa ng ating opisina. Kahit itanong niyo po, marami tayong mga empleyado na nasira at nawala ang lahat ng gamit sa bagyong Yolanda pero kahit singko hindi po ito binayaran ng TV5. Nakakatawa nga po ang kanilang kuwento na mabuti pa raw ang kumpanyang SM dahil binigyan sila ng award na may kasamang P15,000 cash, pero sa sariling kumpanya kahit singko wala.

Marami pa po kaming hinaing, tulad ng kada tatlong buwan naming pagpirma ng kontrata. Karamihan po sa amin ay mahigit apat o limang taon nang talent o contractual, pero hindi naman nareregular.

Huwag niyo po sanang masamain ang aming mga hinaing. Totoo pong naiintindihan namin na wala pa tayong pera at hindi pa tayo kumikita. Kasama niyo po kami sa pagtataguyod ng ating kumpanya. Pero ang hinihiling lamang po namin ay ang mga benepisyong itinakda ng batas.

Maaaring may mga pagkukulang din kami sa aming trabaho, pero maniwala po kayo, mas marami pong kwestiyunableng mga tao na nasa itaas namin. Puro pandaraya at pandurugas po ang ginagawa nila. Baka gusto niyo pong paimbestigahan iyan.

Sinadya po naming hindi magpakilala sa aming liham dahil alam po namin na isang pitik lamang ay talsik na kami sa aming trabaho dahil kami ay mga kawawang talent lamang na walang security of tenure.

Uulitin po namin, hindi po kami humihiling ng kalabisan, ang hinihingi lang po namin ay kung ano ‘yung nasa batas.

Gumagalang,

Concerned talents of TV5

#

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Advertisements

8 thoughts on “[Email] Bukas na liham para kay Manny V. Pangilinan

  1. Just to stress a point (and a whole lot of them can come in a deluge later) –

    “…Samantalang tuwing Pasko at Bagong Taon, kaming mga talent ang naiiwan para magtrabaho sa mga studio habang ‘yung ilang naglalakihan ang suweldo, malamang nasa out-of-town o ibang bansa. Wala kaming magawa kundi mainggit na lang sa naglalakihang mga bonus ng mga regular na empleyado.

    Natatawa na lamang po kami tuwing mapapakinggan namin ang programa sa radyo ni Atty. Mel Sta. Maria (Relasyon) na paulit-ulit niyang ipinapayo sa kanyang mga caller na kahit contractual, regular at kahit ano pang trabaho ang ginagawa ninyo, karapatan ninyong makatanggap ng 13th month pay.”

    To the day, it has been a year since my mouth dribbled in bile and my hands hurt from making fists and shaking them at no one in particular. I found solace by volunteering with ArtRelief feeding Yolanda victims at Villamor Airbase, but I digress — the first reason I got fed up with News Gfx for TV5 — is the utter unprofessionalism by people who call themselves professionals, the close second would be the downright disregard for Talent Rights, but we are the ones who, as I copied and pasted from the original article above, are left behind when holidays and weekend trips by regulars seem to get in the way of work. My first assignment was create the new layout for Aksyon, and everything else followed, subtle changes here and there, drew really cool simulation drawings, even created the Look for Lourd De Veyra’s History (Anyare was its first name, though) and up to the last minute that I still cling to the creed of creating beautiful things, HR has not done ANYTHING to help me put with my papers that are needed to be a REGULAR employee. Instead EVERYTHING was my fault. It’s my FAULT i have no time for the dentist, it’s my fault Ib didn’t do follow ups, it’s MY fault my HR officer takes lunchbreaks too long, and it’s my fault even some of my superiors are somewhat uninterested in my welfare. Oh I have talent and skill, most graduates only acquire skill, and not much sense. But the team I was with (Hooray for News GFX!) are the best I have worked with (give or take a few pretenders) but to dwell on such things as work ethics, real TALENT, skill and creativity, experience andgood looks, don’t mean much any more, not even basis to make me a REGULAR EMPLOYEE. That part about Atty. Mel Sta. maria really made me laugh. I should have punched Seph Ubalde’s self-righteous , pompous face so I could have the chance to be with the LEGAL offiice, but that'[s another story.

    Good thing some people grew some balls. But anonymity will not do. Say your name. name names.
    I am Eman (German)b Paelmo, I was a News Gfx Specialist for TV5 News, and I worked for ABC5 for three years without having been granted Regular status, no Bonuses, no OT pay, no 13th Month, and no SSS, Pag-Ibig, heck njot even PhilHealth.

    And I’m still pissed.

    Liked by 1 person

  2. The ultimate tragedy is not the oppression and cruelty by the bad people but the silence over that by the good people.
    Martin Luther King, Jr.

    Like

  3. TV5 HR ang pinakawalang kwentang HR Department na naka engkwentro ko.
    Puro mga walang silbi. Nakaka limang email ka na hindi pa rin magawang magreply. Yung dating head naman nila mismo bastos sumagot sa email.

    Like

    1. TV 5 HR, Ako nga nainterview na, nakapag exam na at tapos pinag medical na gastos 5,000 tapos sabi tawagan ako. Ako naman alam ko pag nagpamedical ka na ibig sabihin tanggap ka na. Aba after a month wala tawag, after 2 months wala pa din. Ang HR email ko wala sagot tapos After 3 months wala pa din. So tumigil na ako umaasa sana man lang sabihin kung ano dahilan bat di tangap. At sana di muna pinag medical. Thats TV5 HR.

      Like

  4. Iisa po ang kulay ng Mga TV network dahil halos lahat ng mga pinuno nila ay sa GMA at ABS lng nanggaling tanda ko pa na 2011 tatanggapin daw ako sa tv5 basta withdraw ko ang labor case ko sa dos? Ang Babait ninyo Serbisyong totoo Kapatid?

    Like

  5. Buhay ng nakararaming Media ay parang buhay ALBULARYO? Na kaya mo Gamutin ang ibang tao dahil sa taglay mong Galing…pero sa Sarili at sa Pamilya mo walang epekto?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s