[News] TV5 talents issue “open letter” to TV5 Chairman Manny V. Pangilinan

Reposted from pep.ph


TV5 talents issue “open letter” to TV5 Chairman Manny V. Pangilinan

ABC_TV5_logo.svg
“Kahit ilang araw na walang tulugan, nagtatrabaho pa rin kami. Pero wala po kaming overtime pay, holiday pay o night differential. Kahit po SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at iba pang benepisyo, wala po kaming lahat nito,” hinaing ng “concerned talents of TV5” sa open letter nila para kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.

 

“Tuwing Pasko, hindi po katulad ng lahat ng empleyado, sa totoo lang po, ito po ang pinakamalungkot naming panahon.”

Ito ang bahagi ng isang open letter para kay TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na ipinadala ng “concerned talents of TV5” sa Facebook community na Buhay Media.

Ang open letter na ito ay inilabas ng Buhay Media kahapon, December 1.

“Marami po kaming hindi happy sa Happy Network,” pahayag ng grupo sa kanilang liham para kay MVP.

Sabi pa nila, “Sana po may puso rin kayo sa katulad naming maliliit na empleyado.

“Sana nga po ay tama ang aming hinala na hinding-hindi ninyo papayagan kapag nalaman ninyo ang tunay na kalagayan naming mga contractual employee sa Happy Network.”

Katulad ng pag-alma ng ilang talents ng GMA Network kamakailan, inirereklamo rin ng grupo ang diumano’y kawalan ng benepisyo ng mga “talent” o non-regular employee ng TV5.

Read: GMA Network talents cry foul over alleged labor malpractice; stands by regularization complaint vs GMA

Isa sa mga naunang benepisyong kanilang hiling ay ang taunang 13th month pay, na isa sa mga pinag-uutos ng batas sa mga employer.

Sabi ng grupo, “Mayroon din po kaming mga pamilya na kailangang paghandaan, mga inaanak na kailangang regaluhan tuwing Pasko.

“Pero saan po namin kukunin yun kung 13th month pay lang, hindi pa po maibigay sa amin.

“Samantalang tuwing Pasko at Bagong Taon, kaming mga talent ang naiiwan para magtrabaho sa mga studio habang yung ilang naglalakihan ang suweldo, malamang nasa out-of-town o ibang bansa.

“Wala kaming magawa kundi mainggit na lang sa naglalakihang mga bonus ng mga regular na empleyado.”

Ang isang regular employee ng pribadong kumpanya ay dapat makatanggap ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth.

Ito ay hindi naibibigay sa mga tinaguriang “talent” ng TV networks, kabilang na ang TV5.

“Kami pong mga talent ay walang pinipiling trabaho.

“Andiyan po kami kahit Sabado at Linggo. Kahit holiday po ay andiyan pa rin kami.

“Kahit ilang araw na walang tulugan, nagtatrabaho pa rin kami.

“Pero wala po kaming overtime pay, holiday pay o night differential.

“Kahit po SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at iba pang benepisyo, wala po kaming lahat nito.”

Sa bandang dulo ng kanilang liham kay MVP, naglabas din ng hinaing ang grupo sa hindi pagre-regular ng network sa mga talent.

“Karamihan po sa amin ay mahigit apat o limang taon nang talent o contractual, pero hindi naman nareregular.”

Sa huli, sinabi ng grupo na naiintindihan nilang hindi pa kumikita ang TV5 network.

Sabi nila, “Hindi po kami humihiling ng kalabisan, ang hinihingi lang po namin ay kung ano yung nasa batas.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang panig ng TV5 management, sa pamamagitan ng TV5 Corporate PR, subalit wala pang sagot ang kanilang pamunuan.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ng TV5 management tungkol sa isyung ito.

Narito ang kabuuan ng liham ng “concerned talents of TV5” para kay MVP: Post by Buhay Media.

#

View the original post here: http://www.pep.ph/news/46032/tv5-talents-issue-open-letter-to-tv5-chairman-manny-v-pangilinan 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s