[Facebook Post] Paalam, mahal kong News to Go :’)

Reposted with permission from a Facebook post of Cath Ann Marpuri, editing supervisor and video researcher for television news. Because of her affiliation with the Talents Association of GMA Network (TAG) and the regularization complaint filed in the NLRC, her contracts will not be renewed and she has been told last night to stop working for News to Go (NTG) starting today when the management learned that her contract with the show already expired last September. No week’s notice, no anything. While the talent agreements for her other shows are yet to expire on December 31 (News TV Quick Response Team, Balitanghali Weekend (Saturday Edition), 24 Oras Weekend (Sunday Edition), her work for NTG is one of the closest to her heart.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Unang araw ng paghihiwalay. Tulad ng nakasanayan, kusa pa rin akong nagising ng alas singko ng madaling araw kanina. Sa loob kasi ng mahigit tatlong taong relasyon natin, may ilang bagay na automatic na.

Pagbangon ko, narealize ko na, “Teka, nagbreak na nga pala kami kagabi.”

Mahirap, masakit, madrama pero ganun talaga. May mga bagay sa mundo na hindi permanente. Kahit gaano mo pa kamahal, kapag hindi na pwede, wala ka nang magagawa kundi ang bumitaw. Dahil mapagtatanto mo na ikaw na lang ang lumalaban para sa inyong dalawa.

Hindi rin pala sapat na kahit bagyo, sinuong ko para sayo. Kahit ang Pasko at Bagong Taon, minsan ko ring kinalimutan para lang magkita tayo.

Salamat sa lahat ng magaganda at hindi masyadong magandang alaala’t karanasan. Salamat dahil marami akong natutunan sa ‘yo. Hindi lang isip at puso ko ang binago mo, kundi pati karakter ng pagkatao ko.

Tinuruan mo ako kung pa’no magmahal ng buo… kung pa’no maging tapat at nakasentro sa ‘yo.

Isip-bata lang ako kung tawagin nila noon, pero dahil sa ‘yo ang isip-bata na ‘to ang namuno sa mga mas nakatatanda at sa may mas kakayahan na gawin kung ano ang ibinigay mong tungkulin sa akin.

Salamat sa pagtitiwala sa kakayanan ko… na hindi ka nagdalawang-isip na kaya ko…

Ngayon, pinaghiwalay na tayo. Hindi ako galit sa ‘yo. Habang-buhay kong ipagpapasalamat na nagtagpo tayo.

Paalam, mahal kong News to Go. :’)

Cath Marpuri_Paalam Mahal Kong News To Go

#

View the original post here: http://on.fb.me/1I7p7ag

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

 

 

Advertisements

3 thoughts on “[Facebook Post] Paalam, mahal kong News to Go :’)

  1. may kasabihan hija na “you will only remember when a person when she is gone” pero para sa kaso mo, mananatili kang buhay sa alaala sa mga taong may pagpapahalaga sa iyong angking kakayahan. ako ay naging bahagi rin ng daigdig mo. modesty aside, mahigit na 50 taon akong namayagpag sa larangan ng pamamahayag at tumanggap ng maraming gawad (regional at national,.) pero tulad mo, sa di inaasahang pagkakataon ay biglang inilayo ako sa tungkulin dahil kailangan pala akong pagpapahingahin ayon sa batas bagay na hindi ko natanggihan. sabi nga, there is nothing permanent above god’s green earth except your talent. at my age now, sino ang maniniwala na ang mga taong inakay ko sa matinik na landas ng pamumuhay ay siya ngayong umaakay sa akin upang gamitin ang talentong habang naluluma ay lalong nagiging antigong hindi palamuti kundi nagagamit sa kapakanan ng kabutihan. so hija, why fret.

    Like

    1. Ka-Doming Panganiban, hindi mo ata nababasa ang hindi makatarungan na pamamalakad ng management ng GMA laban sa mga taong tinatawag nila na “talents” lamang na nagtratrabaho ng higit pa sa trabaho ng mga regular.
      Ang pagtanggal sa trabaho ng babaeng ito ay hindi katulad sa retirement age mo. Nakatanggap ka pala ng maraming awards, eh bakit hindi ka nagre-research ng mga issues ngayon? Basa basa din pag may time okay?

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s