[Email] Kape

This was sent to our email (buhaymediaph@gmail.com) last Sunday, November 30.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

May nabasa akong tumula, pa-share din po.

Ito yung kapag breaking yung episode niyo at mga tipong eere na kinabukasan, pero wala pang mga material. Kaya standby ka muna. Pero dahil hindi ka naman madasaling tao, mapapatula ka nalang sa roofdeck sa 4th floor.

Salamat po!

#suporta #buhaymedia

-Henerson Hernando, Transcriber, Reporter’s Notebook

#Suporta

 

“KAPE”

 

ISANG MALUPIT NA GABI ANG NAGBABADYA

RAMDAM NA RAMDAM DAHIL NA RIN SA

KAPEHONG HILATSYA

ISANG UNOS NA NAMAN ANG MANANALANTA

SUSUBOK SA TIBAY AT MAGPAPADAPA.

 

HINDI BAGYO. HINDI  ULAN.

‘WAG NA RIN MAGTATANONG KUNG ILAN,

KELAN MAGSISIMULA AT KUNG HANGGANG SAAN?

IKAW NGAYON ANG TAYA SA LARONG HULAAN.

 

WALANG TUTULONG. WALANG HAHALILI.

NGUNIT  ‘PAG NAGKAROON NG MALI,

MARAMING MANINISI.

BAKIT GANITO? GANYAN? ANONG NANGYARI?

T@#&%, TALAGANG MINSAN ISUSUMPA MO

KUNG BAKIT DITO KA PA NASALI.

 

 

HINDI NAMAN SA WALA KA

NANG MAPAGPIPILIAN

PERO ALAM MO KASI SA SARILI

MONG ITO ANG GUSTO MONG

LARANGAN,

MAGIGING MASAYA

AT MAY KAHULUGAN,

KAAKIBAT  ‘MAN NITO ANG

DI MO BIGLAANG PAGYAMAN

 

SA GABING KATALIK ANG TRABAHO,

LAMIG LANG ANG BENEPISYO,

PANAGINIP LANG ANG UMENTO,

AT HINDI PA SIGURADO.

BUTI DIN KASI KUNG

MAKATULOG KA PA,

E MAMAYA-MAYA UNANG HIRIT NA.

 

PERO NGAYON,

MABUTI HANDA NA’T KAMPANTE

ILANG BESES NA RIN NAMAN ITO

NANGYAYARI PATI.

SA MAPANUKSONG ANTOK

AT MAY KALAMIGAN NA RIN KASI,

ITO MAGLILIGTAS SA AKIN NGAYON,

KAPE

kape

#

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s