[Email] “Good luck”

This was sent to our email (buhaymediaph@gmail.com) last Monday, December 8. The sender was a researcher for television for almost eight months before she transferred to another job as an Employee Experience Coordinator for a human resources company in the cruise line industry.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Ito ang Facebook post ko noong natanggap ako bilang isang researcher sa isang public affairs show ng GMA-7. I feel so blessed that time kasi right after graduation, nakuha ko ‘yung gusto kong trabaho.

image

Pero habang tumatagal ako sa programa, doon ko napatunayan ang ibig-sabihin ng “Good luck” na reaksyon ng mga kakilala ko sa network once na malaman nilang napunta ako sa programa. Naranasan kong magkaroon ng maliit na aksidente habang nasa shoot pero hindi mo puwedeng indahin dahil tumatakbo ang istorya mo. Naranasan kong hindi maligo sa loob ng dalawang araw, tanging pagpapalit lang ng damit. Naranasan kong makalimutan na nagugutom nga pala ko at hindi pa nag-aagahan at nanananghalian kahit alas sais na ng gabi dahil sobrang dami kong ginagawa para sa istorya ko. Naranasan kong hindi maka-bonding ang pamilya ko dahil ‘pag umuwi ka naman sa bahay niyo, wala ka ng gagawin kundi ang matulog dahil sa loob ng isang linggo, di pa yata umabot sa 24 oras ang tulog mo. At ang pinakamasaklap, naranasan kong tiisin ang nanay ko na maysakit noon dahil kung uuwi daw ako, di eere ang istoryang hawak ko, dahil sa klase ng trabaho ko noon, pwede ka lang umabsent if it is a matter of life and death.

Sa pagiging researcher ko din natutunan paano triplihin ang lakas ng loob mo, dahil kung mahina ka, physically, mentally, intellectually and emotionally, araw-araw lang tutulo ang luha mo. Maswerte pa ako dahil napunta ako sa show na medyo mataas ang rate kaysa ibang show dahil ‘yung ibang kapwa ko researcher, parehas lang din ng hirap at pagod, maliit pa ang nakukuhang talent fee (ito nga pala ang tawag sa sahod namin dahil kami ay mga talent ng network). Naranasan ko din na makakita at makasalamuha ng mga new hires na hindi mo pa nga natatanong kung ilang taon na at kung taga-saan, nag-resign na pala dahil hindi kaya ang pressure at ang sitwasyong kakaharapin mo sa trabaho. Iilan lang ang mga ito sa media life experiences ko.

Sabi ko noon, kung regular lang sana ako at naku-compensate ang halos 24/7 na serbisyo, may naghihintay na alaga sa ‘yo sakali mang mapahamak ka sa oras ng pagtatrabaho, baka nagstay ako, dahil tulay na ito sa mga pangarap ko pero hindi ko pa rin kinaya. Nagawa ko pa ring bumitaw.

Pero kahit wala na ako sa network na naging pangalawang tahanan ko din sa loob ng halos walong buwan, buo ang suporta ko sa mga kaibigan ko, kakilala ko na naiwan pa rin sa network dahil sa wakas, lumalaban na sila na makuha ang karapatang dapat matagal nang mayroon sila. Hindi biro ang trabahong mayroon sila, kaya dapat lang naman siguro na mabigyan sila ng nararapat na benepisyo bilang katiting na kapalit ng kanilang serbisyo.

Ako si Jha Furio Faustino, former researcher ng KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho).
#
If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s