[Blog] Pamamaalam

Reposted with permission from the blog of Ms. Igal Jada San Andres, former segment producer-in-training for State of the Nation with Jessica Soho. She is featured in the Humans of Media series of Buhay Media’s Facebook page. Read her #HumansOfMedia story here: http://on.fb.me/1Ax37Qs

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Pamamaalam

Mahirap mag-let go.

Ilang beses ko mang kantahin ang theme song ng buhay ni Queen Elsa, walang mangyayari. Wala na akong kontrata. Hindi na ako papasok sa Lunes.

Alam ko naman pong darating din ako sa araw na ito. Sabi nga ng isa kong kasama, para itong break-up na matagal nang nagpaparamdam.

Pero nakakalungkot pa rin. Masakit isiping lahat ng pinagtrabahuhan ko mauuwi lang sa wala. Kahit na binuhusan ko ng oras at puso ang bawat kuwento, sa huli, kayong nasa itaas pa rin po ang masusunod.

Wala akong hinanakit sa programang kinabilangan ko. Dapat pa nga akong magpasalamat sa dami ng mga natutunan ko mula sa mga nakatrabaho ko (ex ko na kayong lahat ngayon). Ang gagaling kasi nilang lahat—mula sa pinakamamahal naming anchor hanggang sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga ilaw at kamera. Ramdam ko kung gaano nila – namin – kamahal ang trabaho.

Naalala ko pa noong researcher pa ako kung paano kami magbiruan—sino ang may pinakamagandang pitch, sino ang may pinakamaraming naipaalam na larawan, sino ang unang nakatapos ng task, sino ang pinasalamatan ng reporter, at kung ano-ano pa.

Tinuruan nila akong magsulat nang mas mabuti kaysa dati. Nagkaroon na rin ako ng kasanayang magsulat sa wikang Filipino. Malalagay ko na rin iyon sa wakas sa aking resume (na ipapamudmod ko sa ibang kumpanya sa susunod na linggo).

Para sa aking mga ex, maraming salamat sa mga leksiyon. Higit sa lahat, maraming salamat sa pagkakaibigan.

Pero ang lahat ng mabuti, ika nga nila, natatapos din. ‘Yun nga lang, sana hindi sa ganitong paraan.

Kaya nga mahirap mag-let go e, kasi mali.

Kailan pa ba naging kasalanan ang paglaban para sa karapatan? Kailan pa ba naging mali ang pagkakaroon ng paninindigan? Ng paniniwala?

Kaya nga po nitong mga nakaraang buwan, napagtanto namin ng aking mga kasama na hindi lamang ang kuwento ng mga case study ang dapat malaman ng sambayanan. Kailangan din naming maiparating sa kanila ang kuwento ng mga taong nasa likod ng produksiyon.

Naaalala pa po ba ninyo? Mahigit isang taon na po ang nakalipas nang bigyan ninyo ako ng tropeo. Abril po iyon, noong nagtapos ako ng kolehiyo.

Ang sabi po ninyo excellent ako. Sana po kayo rin.

#

View the original post here: http://igaljada.tumblr.com/post/104494900431/pamamaalam

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s