[News] Pahayag ng CEGP sa kontraktwalisasyon sa mga manggagawang midya ng GMA Network

Reposted from the Facebook page of the College Editors Guild of the Philippines – National Office. 

The Talents Association of GMA Network (TAG) would like to express its gratitude to the College Editors Guild of the Philippines – National Office for its support to the plight of talents in the media industry.


Nagpapahayag ng suporta ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ang pinakamatanda at pinakamalawak na alyansa mga pahayagan ng mga mag-aaral sa antas tersyaryo sa buong Asya-Pasipiko, sa mga manggagawang midya ng GMA Network sa kanilang patuloy na paglaban sa hindi makatarungang praktika ng pamunuan ng nasabing istasyon sa pasahod, kawalan ng benepisyo, at kontraktwalisasyon ng kanilang mga manggagawa at empleyado.

Sa pangunguna ng Talents Association of GMA Network (TAG), naghain ng reklamo ang mga kontrakwal na empleyado ng istasyon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Patuloy ang paggamit ng mga malalaking korporasyon sa midya tulad ng GMA Network at ABS-CBN sa kontraktwalisasyon ng mga manggagawa upang paukutin ang Labor Code at takasan ang pagbibigay ng kaukulang benepisyo ng mga empleyado.

Kabilang sa mga manggagawang nagsampa ng reklamo sa DOLE ay ang mga matagal ng nasa serbisyo, ang ilang ay taon at dekada nang pinagsisilbihan ang GMA Network ngunit hindi pa rin nagiging regular sa kanilang trabaho.

Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag ng mga talent, ang madalas na katawagan sa mga kontraktwal na manggagawa sa midya, ang kanilang mga hinaing at patuloy na nakakatanggap ng suporta mula sa iba’t ibang organisasyon at sektor. Ang #BuhayMedia ay lumaganap sa internet upang malayang masabi ng mga manggagawa sa midya ang hindi makatwirang pagtrato ng GMA Network sa kanila. Kabilang dito ang pagtatanggal sa mga talent na patuloy na lumalaban at ang pagpigil sa paglalabas sa huling sahod ng mga natanggal.

Ang mga tagapahatid ng mga balita, katotohanan, at istorya ng lipunan na madalas na nalalagay sa panganib ang buhay ay nanganganib na ring mawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan upang suportahan ang kanilang mga pamilya.

Bilang mga kabataang mamamahayag, ang ganitong pangyayari ay marapat lamang na tutulan at labanan. Habang nagkakamal ng malaking halaga at tubo ang mga malalaking korporasyon sa midya, patuloy naman ang pagpapahirap sa mga manggagawa at empleyado na nakararanas ng mahahabang oras ng trabaho sa mga opisina maging sa malalayong lugar na walang karampatang overtime at hazard pay. Dahil sa kotraktwalisasyon, patuloy na nalalabag ang karapatan ng mga manggagawa sa midya at iba pang industriya sa bansa.

Kaisa ng mga mamamahayag pangkampus sa buong Pilipinas sa pangunguna ng CEGP ang mga manggagawa ng GMA Network sa kanilang laban at panawagan para sa regularisasyon, sapat na pasahod, at maayos na benepisyo.

Alagad ng midya, magkaisa, lumaban at makibaka!

Advertisements

One thought on “[News] Pahayag ng CEGP sa kontraktwalisasyon sa mga manggagawang midya ng GMA Network

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s