[News] Pakikiisa ng mga manggagawa ng Tanduay sa laban ng mga empleyado ng GMA7

Reposted from the Facebook account of PAMANTIK-KMU


Pakikiisa ng mga manggagawa ng Tanduay sa laban ng mga empleyado ng GMA7

PAMANTIK-KMU_01

CABUYAO, LAGUNA – Sa ika-18 araw ng kanilang welga para sa regularisasasyon, mahigpit na nakikiisa ang Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA) sa laban ng mga empleyadong kontraktwal sa pangunguna ng Talents Association of GMA Network (TAG).

“Parehong walang puso ang management ng Tanduay at GMA7 sa kanilang mga empleyado. Kaya sama-sama nating wakasan ang kontraktuwalisasyon na nagpapahirap sa atin,” saad ni Dante Ragasa, Bise-Presidente ng TUDLA. Inilunsad ng mga manggagawa ng Tanduay sa gitna ng kanilang picket line sa harap ng Gate 2 sa Asia Brewery Compound ang “Isang Kandila at Dasal Para sa mga Kontraktuwal”.

Ani Ragasa, nakababahala na maging sa mga alagad ng midya na silang tagapaghatid ng katotohanan upang mamulat ang bayan ay sila pang binubulag sa masalimuot na kalagayan ng panggigipit sa kanilang hanapbuhay. Tulad ng nararanasan ng TAG, matagal nang walang seguridad sa trabaho ang mga manggagawa ng Tanduay kaya’t nakapako sa napakababang pasahod, at walang natatanggap na mga benepisyo.

Sa higit dalawang linggo ng kanilang welga, samu’t saring karahasan na ang dinanas ng TUDLA at ng kanilang mga taga-suporta dulot ng tangkang pagbuwag ng mga gwardiya at bayarang goons ni Lucio Tan. Nitong Hunyo 3, umabot ng 30 mga manggagawa at taga-suporta ang sugatan pagkatapos maglunsad ng programa sa harap ng Gate 3 ng Asia Brewery dahil pinaghahampas at pinagbabato ng “private army” ni Lucio Tan.

Kaugnay nito, nananawagan ang TUDLA sa mamamayan na i-boycott ang lahat ng produkto ng Tanduay at suportahan ang lahat ng laban para sa regularisasyon.

“Ang ganitong tipo ng panunupil ng mga kumpanya at ng gobyerno ay hudyat na nararapat lamang na tayo’y magkaisa sa pagsusulong ng ating interes, dignidad, at karapatan bilang mga mamamayang bumubuhay sa mga industriya,” dagdag ni Ragasa.

‪#‎notohARassment‬ ‪#‎LabanMedia‬ ‪#‎BuhayMedia‬ ‪#‎TanduayWorkersOnStrike‬‪#‎BoycottTanduay‬ ‪#‎TibayTanduay‬ ‪#‎EndContractualization‬

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s