[News] Speech of NUJP Director Sonny Fernandez on the Establishment of the Media Labor Assistance Center (MLAC)

Reposted from National Union of Journalists of the Philippines

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

NUJP Director Sonny Fernandez announced today the formation of the Media Labor Assistance Center (MLAC). Read the transcript of his speech below:

Sa araw na ito, sumagad na ang pasensya ng mga kasamahan nating talents o kontraktwal na patuloy na ginigipit, inaabuso at niloloko ng GMA 7 walang pusong management.
Tama po ang narinig nyo – hindi Kapuso, kundi walang pusong bagong management ni Ramon Ang ng San Miguel Corporation na notorious sa pagbubuwag ng unyon o samahang manggagawa.

Lumabas na po ang GMA talents sa ilalim ng samahan nilang Talents Association of GMA Network sa lansangan dahil kahit idinaan na nila sa maayos na dayalog at sa prosesong legal sa DOLE ang kanilang laban, deadma ang management sa minamandato ng batas o Labor Code, manhid ang management sa kanilang idinadaing, at kapag ikaw ay manhid, ibig sabihin, puro kalyo ang inyong katawan, pati ang kamalayan at konsensya, wala kang puso, hindi tunay na Kapuso.

43 contractuals o talents ang hindi pa rin pinapasahod dahil ayaw nilang magbigay ng acknowledgement receipt kapag sila ay pasahurin gayong pinagtrbahuan na nila iyon.

Kapag sundin nila ang sistema ng pagpaparehistro sa BIR bilang propesyunal at pagbibigay ng acknowledgment receipt sa employer, ibig sabihin, kumagat ang talents sa bitag at meron silang ibabanderang ebidensya na kayo ay contractual.

Papayag ba kayo na kayo ay maging contractual forever?

Wala pong forever — na contractual.

Pero merong forever — na regular!

Iyon ang dahilan kung bakit binuweltahan ng Talents Association of GMA Network ang walang pusong management ng kasong paglabag sa batas paggawa na nagtatadhanang ang sinumang manggagawa na nakakumpleto ng tuluy-tuloy na pagtatrabaho sa loob ng anim na buwan at mahigit pa ay regular employee, regular forever.

Pinakamalala nang paglabag na ginawa ng walang pusong management ang mass dismissal ng 200 GMA 7 contractual at regular employees sa regional stations nung bago mag-Labor Day.

Binaluktot ng GMA 7 ang batas dahil sabay ng pag-aabiso sa empleyado na sila ay matatanggal sa loob ng tatumpong araw na sinasabi ng batas, sabay na ibinigay ang kanilang one month na sahod saka pinapirma ng waiver.

‘Yan po ang napakalaking kalokohan ng GMA 7 management, isa sa pinakamalaking network sa buong Pilipinas, pero isa ring pinakamalaking violator ng labor laws sa ating bansa.

At ‘yan ang dahilan kung bakit nag-work stoppage ang talents-contractuals ng GMA 7.

‘Yan din po ang dahilan kung bakit nakikiisa kami na mga samahan ng unyon ng mga manggagawa sa media sa ilalim ng Media Labor Assistance Center.

Mahigpit na nakikipag kapit bisig ang Media Labor Assistance Center sa Talents Association of GMA Network na ngayon ay nagpoprotesta laban sa patuloy na pagbabalewala sa mga karapatan ng mga manggagawa na sila’y pasahurin, gawing regular, tumanggap ng mga benepisyo at magtrabaho ng hindi ginigipit, tinatakot o at tinatanggal sa trabaho ng labag sa batas.

Nakiisa kami hindi lang bilang manggagawa sa iisang industriya kundi bilang manggagawa na pare-parehong pinagsasamantalahan ng mga kapitalistang kinukunsinti ng gobyerno.

Bakit kinukunsinti?

Sa kabila ng mga tuluy-tuloy na labor violations ng media owners, wala pa pong pinarurusahan isa man sa kanila.

Maski naipanalo ng ABS-CBN IJM contractuals ang regularisasyon ng talents sa Korte Suprema, patuloy itong binabalewala ng management.

Pinapayagan ng pamahalaan ang contractualization, mababang sahod, hindi ligtas na kondisyon sa trabaho tulad ng nangyari sa Kentex, kumukonti ang regular, tinatanggal o pinopromote tulad sa ABS-CBN Global, tulad sa PDI Union;

Maski nanalo na sa CBA, hindi pa rin ibinibigay ang kanilang money claims tulad sa Journal Employees Union;

Pati CBA binabarat tulad sa lahat ng media unions.

Kaya nandito kami ngayon hindi lang para makiisa sa laban ng TAG kundi magkaisa para sa laban ng lahat ng manggagawa sa media kasama ang mga mamamahayag para sama-samang itaguyod ang ating mga karapatan at kagalingan.

Nandito kami, nandito tayo para ipaalam sa lahat ng media owners at management na hindi na lang ang lakas ng pagkakaisa ng mga regular at talents ng GMA 7 at TAG ang handang sumagupa at iwasto ang mga kabuktutan ng mga may-ari at namamahala ng media companies kundi ang buong pwersa ng mga manggagawa sa iba-ibang istasyon at pahayagan.

Kaya nananawagan kami sa gobyerno ni Aquino na itigil ang patuloy na pagwawalang bahala ng mga may-ari ng kumpanya ng media at parusahan ang lahat ng lumalabag sa batas paggawa.

Itigil ang panloloko, panggigipit at ilegal na tanggalan sa media!

Itigil ang talent at correspondent system na umaalipin sa mga manggagawa sa media!

Itigil ang kontraktwalisayon!

Ipatupad ang regularisasyon!

Mabuhay nagkakaisang manggagawa sa media!

Salamat po.

NUJP MLAC announcement

Related article:

TAG stages #BuhayMediaProtest to end contractualization in media, labor force

#

View the original post here: http://on.fb.me/1MQO9vb

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s