[Blog] KONTRAKTUWAL

Reposted with permission from the blog of Michelle Ann Ruiz, Vice President of the PUP College of Communication Student Council. She took part in the #BuhayMediaProtest last June 5 in front of GMA Network Center to express her support for our ongoing fight for labor rights in the media industry.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

KONTRAKTUWAL

Sa mundong kondisyonal

Walang puwang maging pagmamahal

Sa inang bayang nagpapaluwal

Ng mga manggagawang kontraktuwal

Sa larangan at industriya ng midya

Pinaghaharian ng mga negosyante’t kapitalista

Inaalipin ang mga manggagawang peryodista

Sa ngalan ng kapangyarihan at pera

Walang pasok, walang trabaho

Walang benepisyo, maski singko;

Silang mga ganid, mismo

Ang papatay sa ‘yo sa industriyang kinakalawang ang sustento

Sa mga nilamon ng sistema;

Maging sa mga nabulag ng glamorosong kataga na ‘midya’

Walang kinikilingan; Walang pinoprotektahan; Serbisyong totoo lamang?

Hindi kami manhid! Hindi kami bulag! Lalong hindi kami mang-mang!

Marami ang nangangarap na makahawak ng mikropono;

Humarap sa kamera’t lumabas ang mga obra sa telebisyon ninyo

Mumunting pangarap sa bansang laganap ang kapitalismo

Sa kanilang paningin ika’y isang negosyo at hindi tao

Malabong usapan sa malabong kinabukasan

Nasaan ang hustisya at katarungan?

Sa bansang sumasabay sa saliw ng karahasan

At alipin ng mundong makasalanan?

Kapatid. Kapamilya. Kapuso.

Iisa sa laban ng peryodismo sa ngalan ng Mayo Uno;

Hindi pa tapos ang laban. Hindi susuko ang Bataan!

Dahil hindi kami negosyo; kami’y may karapatan bilang tao

Hindi ito pelikula sa pinilakang tabing;

Totoong kuwento, totoong buhay

ng bawat peryodistang alipin ng ganid na kapitalista

Sa bansang karapatan ay tinatapatan ng pera

RELATED ARTICLES:

TAG stages #BuhayMediaProtest to end contractualization in media, labor force

GMA-7 Talents light candles, offer prayers in campaign against labor injustice

GMA-7 talents urge public to light candles vs. contractual labor

‘Prayer campaign’ to raise awareness on contractual labor

#notohARassment | Isang Kandila at Dasal Para sa mga Kontraktuwal: A TAG Campaign to Raise Awareness on Labor Injustice

TAG condemns GMA’s continuous harassment as salaries still withheld

#

View the original post here: http://penminista.tumblr.com/post/120819499994/sa-mundong-kondisyonal-walang-puwang-maging

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Follow us on Twitter/Instagram (@buhaymedia) and like our Facebook page (facebook.com/buhaymedia) to show your support.

Advertisements

One thought on “[Blog] KONTRAKTUWAL

  1. Bilang isang mamamahayag, kahit pa man wala ako sa kalagayan ng mga taong dugo’t pawis ang inaalay hindi ako papayag na magkaroon ng kontraktwal na pagtrato sa mga journalist ng bawat estasyon.

    Mabuhay ka!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s