[Blog] NASAAN ANG BOSES NG MGA TAGAPAGHATID NG SERBISYONG TOTOO?

Reposted with permission from the blog of Julie Nealega, former investigative journalist in ABS-CBN and is currently waiting for her kidney transplant operation. 

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.
POLL: Malapit na ang GMA FANS DAY 2015 (July 26)! Tanong ng GMA Network, bakit daw “The Best Ang Kapuso”? Sa gitna ng nararanasang unfair labor practices ng media workers sa bansa, ano ang isasagot mo? Magtweet o magpost ng inyong sagot sa Facebook/Instagram gamit ang mga hashtag na ‪#‎TheBestAngKapuso‬ at ‪#‎BuhayMediahttp://on.fb.me/1g52I3U

NASAAN ANG BOSES NG MGA TAGAPAGHATID NG SERBISYONG TOTOO?

NAKABIBINGING KATAHIMIKAN

Kaunti lamang ang nalalaman ko tungkol sa ipinaglalaban ng mga kapwa ko mamamahayag at empleyado mula sa Talents Association of GMA o TAG. Ngunit sa kabila nito ramdam ko naman ang bigat at lalim ng kanilang adhikain at ipinaglalaban. Magkaiba man kami ng kumpanyang pinanggalingan, magkatunggali man, hindi ko maiwasang madama rin ang kanilang mga pinagdaraan.

10687360_10204969640777666_3004214589904715998_o

Talent din kasi ang tawag sa amin sa ABS-CBN o IJM (Internal Job Market) ang kaibahan nga lang sa aming mga Kapamilya may benefits (READ: [Infographic] It’s Complicated: Employment Status of Media Practitioners). Nakakagulat na wala palang ganun ang GMA. Hindi mo aasahan bilang isang malaking kumpanya ito di ba. Ngunit kulang man ng benepisyo ang mga talent ng GMA, sa pinagdaraanang trabaho ng mga mamamahayag at empleyado, pareho lang. Nagpupuyat at nagpapakapagod para sa iba’t ibang rason—mabuhay, magserbisyo at abutin ang pangarap. Tao lang din ang mga mamamahayag at empleyado, may mga pangangailangan para mabuhay. Suwerte pa ng mga broadcasting company kapag buong puso o passionate na mamamahayag at empleyado pa ang kanilang nakuha.

Ngunit sa kabila ng suporta at pagtuligsa sa ipinaglalaban ng mga miyembro ng TAG, nakakabingi ang pananahimik ng malalaking pangalan sa sarili nilang bakuran. Nakapagtataka na ang suportang inaasahan ko sa malalaking boses, tila sirang mikropono na hindi gumagana. Madaling magsabi sa akin dahil wala ako sa sarili nilang mga paa dahil may iba’t ibang interes silang pinangangalagaan. Pero sa kabilang banda, hindi mo maikakaila na sa ibang bahagi ng ating lipunan, pribado man o gobyerno, mabilis silang magtuligsa. Ngunit bakit sarili nilang kadugo o kauri hindi nila maprotektahan?

Dahil ba gaano man makapangyarihan ang kanilang boses, wala pa rin itong magagawa dahil hindi sila ang may-ari ng kumpanya? Siguro nga. Ngunit hindi ito dahilan para hayaan na lamang ang TAG sa kanilang laban hindi ba? Utang na loob ng bawat mukha at boses ng mga malalaking pangalan na mga mamamahayag ang kanilang karera sa mga taong nasa likod ng kamera.

Ngayong kailangan ang inyong serbisyong totoo, nasaan ang inyong mga boses? Sa tingin ko lang, kung magsasama-sama ang lahat ng malalaking pangalan sa pamamahayag para ipaglaban ang karapatan ng kabuuhan ng mga mamamahayag sa bansa, hindi malayong magkakaroon ng reporma sa kalagayan ng mga empleyado at mamahayag. Matutuldukan na ang ipinaglalaban ng TAG at mauuwi ito sa pagkapanalo ng mga Kapuso, Kapamilya, Kapatid, at iba pa.

#

View the original post here: https://julienealega.wordpress.com/2015/07/19/nasaan-ang-boses-ng-mga-tagapagtahid-ng-serbisyong-totoo/

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Follow us on Twitter/Instagram (@buhaymedia) and like our Facebook page (facebook.com/buhaymedia) to show your support.

Advertisements

2 thoughts on “[Blog] NASAAN ANG BOSES NG MGA TAGAPAGHATID NG SERBISYONG TOTOO?

  1. Daig pa kayo ng maliliit na stasyon ng t.v. may masakit sa kapwa. Malaki nga kayo pero ampaw pala ang inyong stasyon. Walang totoo sa inyong paglilingkod. Hawig na rin kayo sa ngayon sa INC bulok ang pamamahala.

    Like

  2. company by laws versus labor rights = technicality. simple lang isasagot nila, “kung ayaw nyo sa bakuran ko, eh di lumipat kayo.” same principle lang din sa ibang mga company.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s