[Blog] Inside job? Kuwento ng isang TV5 contractual worker

This story was submitted by Erik Vocal, who now works as a segment producer for TV5’s ReAksyon with Luchi Cruz-Valdez. He also recently went to Marawi for another similarly dangerous coverage.

DISCLAIMER: Buhay Media is maintained by the Talents Association of GMA Network (TAG), but the stories published here do not necessarily reflect the views and experiences of all TAG members or the media industry as a whole.

Hindi ko makakalimutan ang madaling araw na iyon, ika-8 ng Oktubre 2011. Akala ko ay katapusan ko na. Gulpi-sarado, hinubaran, piniringan ng mata, tinalian ang mga kamay at itinapon sa Floodway.

Bilang isang segment producer ng programa ni Raffy Tulfo na WANTED, hina-hunting namin ang mga akusado. Minsan, dahil kami ang nasa field, minsan ay kami ang napag-iinitan. Marami na rin akong nakaaway at bantang natanggap mula sa mga inirereklamong alagad ng batas. Kami kasi ang unang nakikipag-usap sa kanila bago pa man sumalang sa telebisyon.

Noong araw na iyon, pagkatapos ng editing ng aming programa, nagpasya na akong umuwi dahil may pupuntahan akong birthday at hosting event naman kinabukasan.

Malakas man ang ulan ay sugod lang ako, nagmamadali. Sa bandang Crossing sa may Chowking, doon ako sasakay ng jeep pauwi dahil bihira na ang FX ng mga ganoong oras.

Marami na akong natatanggap na text noong mga oras na yun hinahanap na kasi ako ng mga kaibigan ko. Hanggang sa may nag-message sakin kung nasaan na raw ako, hindi man nagregister at hindi ko natanong kung sino ay nireplayan ko pa rin. “Sa Crossing na.” Sabay reply nung nagtext: “Mag-taxi ka na kaya.”

Naisip ko, oo nga pala, may pera naman ako bakit ba hindi kahit malayo ang Binangonan. Noong oras na iyon ay saktong may taxi na nakaparada sa may harapan ko. Agad kong nilapitan, at sinabi kong papahatid ako Binangonan. Pumayag naman agad ang driver.

Excited na ako dahil makikita ko na uli ang mga kaibigan kong bihira ko na lang makasama simula ng maging busy ako. Habang bumabagtas sa Pasig ay lalong lumalakas ang ulan. Paglampas ng Pineda (Pasig) ay tumigil ang taxi.

“Ano pong problema?” tanong ko.

“May aayusin lang, sir.”

Bumaba ang taxi driver, at ilang sandali pa ay may sumakay na dalawang lalaki sa likuran at pinagitnaan ako. May sumakay na rin sa harapan na kasabay ng driver.

“Teka, teka, ano to!?” sabay umandar ang taxi.

Nagtakip ng mukha ang mga sumakay na lalaki, kinuha ang cellphone ko. Lumaban pa rin ako.

“Teka, ano ‘to? Anong problema?” tanong ko.

“Wala kang pakialam! wag ka na magsalita!”

Sabi nung isa, “Patayin na’ yan!”

Sumagot ako, “Eh di patayin niyo! Handa naman ako!”

Sabay palag ko ng, “Ano bang gusto nyo?”

Itinali na ang kamay ko sa likod at piniringan ang mata. Patuloy pa rin ang pambubugbog sa akin.

Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari, hanggang sa hinubaran na ako ng damit. Naisip ko, ito na ang katapusan ko. Ano kayang mangyayari?

Ramdam kong paikot-ikot kami hanggang sa narinig kong muli na patayin na raw ako. Nagdasal na lang ako at sinabing kung ito na talaga ang huling araw ng buhay ko ay tatanggapin ko.

Ilang sandali lang, naramdaman ko na binuksan ang pinto ng taxi at inihulog ako.

“Sana magtanda ka na!” ‘Yun ang huling salitang narinig ko.

Hindi ako makakilos, malakas ang ulan, at masakit ang ulo– tumama pa sa bato. Suwerteng may nakakita sa akin; tinulungan makabangon, makalagan.

Tuwing bibiyahe ako at dadaan sa Floodway, di ko ito makalimutan. Minsan, bumabalik ng bumabalik ang alaala. Natatandaan ko ang mukha nung driver, natatandaan ko ‘yung ibang sumakay, pati ang plate number ng taxi– pero walang nakarehistrong ganung plaka.

Hindi ko man matukoy kung ito ba’y dahil sa mga kasong aking nahawakan, alam ko sa sarili ko na wala namang taong may galit sa akin ng matindi para gawin iyon sa akin.

Sa dami ng mga natatanggap kong death threat noon, sino ang aking hahabulin?

Ang pangyayaring iyon ang lalong nagpatibay sa akin. Hindi ako sumuko sa propesyong pangarap ko kahit na alam kong delikado.

Minsan may trabaho, minsan wala dahil kami’y kontraktuwal lamang. Ganun siguro talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo, nagsisilbi ka sa publiko.

buhay-media-inside-job-tv5-contractual-erik-vocal-coverphoto

#

If you wish to share your own #BuhayMedia story or you want to speak up as one of the #HumansOfMedia, just send us an email at buhaymediaph@gmail.com.

Follow us on Twitter/Instagram (@buhaymedia) and like our Facebook page (facebook.com/buhaymedia) to show your support.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s